Pumasok ako sa kursong ito kasama ang mga katanungang gusto mo ring malaman tungkol sa Sikolohiya o Psychology.
"NABABASA KAYA NILA MGA NASA ISIP KO?"
"WALA BA TALAGANG MATEMATIKA SA KURSONG ITO?"
"MADALI BA ANG PSYCHOLOGY?"
"MGA BALIW BA MAKAKASAMA NILA?"
Una, hindi ko nababasa ang iyong nasa isipan. Isa lamang ito sa mga misconceptions sa sikolohiya. We study human mind and behavior. Hindi kasama dito ang manghula.
Pangalawa, ilan lamang ang psychological statistics, cognitive assessment at chemistry sa asignaturang mayroon ang sikolohiya. Sabi ng ilan ang kawalan ng matematika ang isa sa dahilan kung bakit nila pinasok ang kursong ito ngunit hindi nila alam kaaakibat ng aming kurso at mga numerong nagpapasakit din sa aking ulo. Mahalaga ang matematika sa sikolohiya dahil dito na aanalisa at na iintrepeta ang isang ang pagtatasa.
Pangatlo, walang programa sa kolehiyo ang madali. Walang madali sa mundong ating ginagalawan. Lahat ng kurso ay may iba't ibang asignatura na may mataas na antas ng kahirapan. Hindi biro ang mag analisa ng iba't ibang teorya. Hindi rin biro magsaulo ng mga pangalan ng mga teorista.
Sa huli, kasama sa aming kurso ang makasama at matulungan ang mga taong may kapansanan maging sa pisikal at pagiisip man ito. Hindi ginagamit at angkop ipangalan sa isang indibidwal ang salitang "baliw". Para saamin, espesyal ang mga taong ito. Sila ang dahilan kung bakit namin minamahal ang kursong ito.
BAKIT NGA BA ITO ANG KURSO KO?
Bakit naman hindi diba? Ang kursong ito ang nagpapa intindi sa aking sarili. Mahuhubog ang ang aking personalidad at matututo akong umintidi ng ibang tao.
Isang dahilan ang pagkakaroon ng depresyon ng isa sa aking tinuturig na pamilya. Naging mahirap ang aming napag daanan. Lubha akong naapektuhan sa pangyayaring ito. Hindi ko pa nakikilala ang sikolohiya ng mga panahong ito. Hindi ko mawari ang gagawin sa mga panahong nahihirapan at gusto na niyang sumuko. Sa kadahilanang ito, napagdesisyunan kong tuluyang pasukin ang larangan na ito.
May espesyal na parte sa aking puso ang mga taong may kapansanan at lalo't higit na ang mga nakatatanda. Saya ang bigay nila saakin sa mga tuwing nakikita ko silang nakangiti. Hinahaplos din ang aking puso sa tuwing may nakakasama at natutulungan akong may edad na.
Mahal ko ang kursong ito, lalong minahal ko noong nakilala ko ang mga taong ito.
Pinakita nila saakin ang ganda ng mundo. Naging rason upang lumaban sa lahat ng hamon. Hindi madali ang lakbay ko bilang isang estudyante ngnit dahil sakanila natutunan kong maging masaya kahit na nakakapanlumo ang mga nagyayari.
MAHAL KO ANG SIKOLOHIYA. MASAYA AKONG NARIRITO AKO.
TO MY BSP FAMILY,
Mahal na mahal ko kayo. Palagi ko itong sinasabi sainyo at hindi ako magsasawa sabihin ito. Hindi ako mapapagod makinig sa mga problema niyo. Tayo na lang ang magkakasama. Hanggang dulo. Hindi iyun magbabago. Ang aking mga corny jokes ang palaging magpapasaya sainyo. Mapasaya ko lamang kayo talagang saya na ang dulot nito saakin.
Alam kong pagod na pagod na tayong lahat dahil sa pangangailangan ng aking akademiko. Napaka sakit isipin at tignan kapag nakikita ko kayong malungkot, pagod at umiiyak.Ngunit kahit gaano man tayo kapagod sa mundo, nag uumapaw ang pag-asa at paniniwala natin sa Panginoon na pagsubok lamang ito.
Mahal na mahal ko kayo. Magiging sikolohista tayo sa darating na panahon! NANINIWALA AKO.
No comments:
Post a Comment