BALIBOLISTA
Hindi pa ako nagsisimula ngunit ang aking mga luha'y tila walang katapusan. Unti-unting bumabalik sa aking alaala, ang lahat ng saya at lungkot. Mga alaalang hanggang alaala na lamang.
Dalawang taon kong dala-dala ang pangalan ng aking paaralan. Ang nag iisang paraalan na tumanggap sa aking kakayanan.
Bente pesos. Oo, bente pesos lamang ang nailabas ng aking mga magulang sa dalawang taon ko sa senior high. Iskolar kung tatawagin ng ilan.
Hindi naging madali ang aking naging lakbay bilang isang atleta. Ang pagod, puyat, luha, dugo at pawis. Lahat ng ito ay hindi biro.
Wala kaming karapatan mag reklamo dahil kami ay pinag-aaral ng larong ito. Pinili namin ang ganitong daan.
Isang karangalan ang maging estudyanteng atleta. Para sa pangalan na nakalagay sa aming harapan at hindi para sa pangalan na nakalagay sa aming likuran ang bawat laro. Iisa ang layunin, mag uwi ng medalya.
Laking pasasalamat ko sa Panginoon at binigyan ako ng talento sa larong volleyball. Dahil dito, nakilala ko ang mga taong nagbibigay saya saakin. May coach ako na humubog saakin, hindi lamang sa larangan ng isports pati na rin sa aking pagkatao.
Salamat Panginoon at binigay mo saakin ang mga taong nagpa bago ng aking buhay. Natuto akong maging isang lider sa harap ng mga nakakababatang atleta. Hindi ko naramdaman ang pagod sa pag gabay sakanila dahil laging kaakibat ay ang sayang dulot ng pagmamahal nila.
Sa aking mga teammates, sobrang miss ko na kayo.
Ang lahat at may katapusan at isa na rito ang aking pagiging atleta. Hindi biro ang mag desisyon kung tutuloy at kung titigil na. Ilang gabi at balde balde luha ang aking nailabas.
Ngunit kailangan kong mag desisyon, ang iwan ang aking haling at kamtin ang aking pangarap. Ito ay para sainyo aking katoto. Para sa lahat ng taong naniniwala saaking kakayanan.
Paalam, volleyball. Hindi ko na muling masusuot ang pinaka paborito kong damit. Hindi na muli akong gigising ng maaga at maghahanda sa laban. Hindi ko na mararanasan ang malalayo ngunit masayang paglakbay. Hindi ko na maririnig ang hiyaw at sermon ni coach at hindi ko na rin makikinig ang mga tawang nagpapangitin saakin.
Nasa isipan at puso ko lahat ng ating pinagsamahan, buong buhay ko itong iingatan at pahahalagahan. Mahal ko kayo.
Salamat, volleyball. Nang dahil sayo naging masaya ako sa dalawang taon ko sa senior high. Dahil sayo naging mabuti akong tao. Dahil sayo nakilala ko ang mga taong nagmamahal saakin, Salamat.
Sa ngayon, unti unti kong aabutin ang aking pangarap.
BALIBOLISTA → SIKOLOHISTA

No comments:
Post a Comment