Sunday, November 3, 2019

GLYNIS MAE









Magandang Buhay! Mula sa probinsya ng Batangas, Ako si Glynis Mae. Isang estudyanteng naglalayon na maipahayag ang damdamin, mag-kwento, maipakita ang mga hilig, kinatatayuan sa buhay, maglabas ng sikreto at marami pang iba. Kung interesado ka sa aking buhay, patuloy lang sa pagbabasa.

Masiyahin. Makulit. Kung sa Batangas, ako raw ay maligalig. (kaway-kaway sa mga batangueno diyan) Hindi ako nakangiti kundi nakabungisngis. Tinatanong ng ilan kung saan ko raw nakukuha ang "energy" ko, pero ang sikreto isipin lang palagi ang mga positibong bagay at doon lalabas ang mga matatamis na ngiti at kasiyahan. Para saakin, maikli ang buhay at maraming rason upang maging masaya. Ikaw nga, maaari ko bang makita ang matatamis mong ngiti? Ayyy! Yehey! Hindi ba ang saya na palaging nakangiti. Mahilig din ako mag joke, kaso minsan waley at corny talaga. Pero huwag mong maliitin iyon, duon ko sila napapangiti.


Matapang. Mataray. Palaban. Ilan lang ito sa mga salitang malimit kong naririnig sa mga taong nakapaligid saakin. Sa ilang punto, tama iyun. Kung nakikita nila akong nakangiti at masiyahin makikita rin ang aking palaban na panig. Hindi ako yung tipo na mag papatalo lalo't alam ko na tama ako. Hindi ko hahayaan na hindi mapakinggan ang aking panig. Siguro dahil ganito kami pinalaki ng aming mga magulang. My every day mantra? FIGHT FOR WHAT IS RIGHT!


Hep! Hanggang dyan na muna. Kung gusto mo pa ako makilala, marami pa akong i po post.

Salamat.





No comments:

Post a Comment