Sunday, November 3, 2019

Imperfections




"Padami ng padami mga alaga mo ah."



"Nanganganak ba mga tigyawat mo?










"HALA! Anong 
nangyare sa 
mukha mo?"








Ilan lamang yan sa mga salitang nagpapadurog ng puso ko. Sino ba naman kasing may gusto na magkaroon ng pimples? Wala naman diba. Sinasabi nila na pimples daw ako na tinubuan ng mukha. Masakit, oo. May nararamdaman din naman kasi ako. Pero ang tugon ko lamang sa mga salitang ito ay "Pag nawala mga pimples ko, who you kayo sakin. HAHAHA" Oo. Itatawa ko na lang lahat ng mga panlalait nila. Wala naman kasi akong magagawa kundi ang tawanan kasi alam ko mawawala rin sila. Pero paano nga ba ako nagkaroon ng mga ito?

Grade 11. Noong senior high student pa lamang ako, may ilan ian na akong mga pimples. Hindi naman ako gaanong ka apektado kasi normal lang ito lalo na at nag dadalaga naman na ako. Pero nung mga nakalauan ay malalaki na mga tubo nito, sa pisnge, ilong, noo at sa buong mukha ko. Sabi ng ilan siguro dahil lagi akong naiinitan at dahil sa volleyball. Sinasabi rin ng mga kamag anak ko na dahil daw kasi hindi maayos mga kinakain ko. Lahat ng mga rason nasabi saakin kung bakit ako nag kakaroon ng mga ito. 

Grade 12. Sobrang dami. Nakakahiya. Mayroon talagang panahon na ayaw kong lumabas ng bahay at lumabas ng classroom kasi makikita nila ang mga pimples ko. Hindi nila ako tinatawanan o hinuhusgahan pero palaging sinasabi ng aking isipan na nakatingin sila sa mukha ko at binibilang nila ang mga ito. Tanda ko pa noon na naglalagay ako ng kung anu-ano sa mukha ko para matakpan ito ngunit duon pala siya mas lalala. Oo, mas lalala pa. 

Bakasyon. Dito ko napagdesisyonan na bumili ng mga produkto na napapanuod ko sa youtube. Halos lahat na lang ata na mga videos na tungkol sa pimples at acne ay napanuod ko na. Ngunit ni isang produkto walang nakapag patanggal sa mga ito. 

Hindi ako lumalabas. Malimit na rin akong mag po post ng mga litrato. Bakit? DAHIL SA MGA PIMPLES KO! Mag po post man ako, tadtad naman ito ng mga effects. Kahit sa sarili kong kamag-anak at pamilya ko hindi ko magawang humarap at tumungin sa mga mata nila.

College. Mas malawak na ang mundo ko. Marami akong nakikilala at lalo akong nahihiya. May pagkakataon pa nga na gugustuhin ko na lamang na bumaon sa lupa. Nakakahiya. Nakakaiyak. Ayoko na.

College days.


Kahit na ganito ang nangyare sa aking mukha, hindi magiging hadlang ito upang maipakita ang aking mga ngiti. Ngiti ko na lang ang maganda saakin, itatago ko pa ba ito?

Sa ngayon, naniniwala ako na unti-unting tumitigil at konti na lamang kung tumubo ang aking mga tigyawat. Masaya na ako sa konting paggaling na ito. May awa nga ang Panginoon. Sa araw-araw ko ba naman nga na dasal na sana mawala na ang mga ito. Masaya ako at hinding hindi ako mahihiyang ikwento ito sa lahat ng tao. My imperfections made me who I am today.






No comments:

Post a Comment