Sunday, November 3, 2019

GLYNIS MAE






PAMILYA


ANG AKING MUNDO


Pamilya. Mundo. 
Sa mga panahong gusto ko na tumigil tila pilit akong iniikot ng sarili kong mundo. Kasabay ang mga salitang bibigay buhay sa patay kong katawan. Karamay ang mga maiinit na yakap at halik sa malamig kong katawan at damdamin. Sila ang liwanag sa madilim na kahapon. 



Hindi kailangang magpanggap at magtago. Kung ano at sino ako, tanggap ako ng aking mundo. Napaka swerte ko sa aking mundo. Salamat, Panginoon. 


"Mama, I love you."
"Papa, ingat ka pag pasok mo ah? I love you."
"Ate, salamat sa pag papaaral saakin ha. Balawang araw, masusuklian ko rin lahat ng paghihirap mo."
"Bebe, proud si ate sayo. Palagi akong nandito pag kailangan mo ng makakausap."
"Bebang, mahal na mahal ka ni ate. "

Hinding hindi ako magsasawang banggitin ang mga pahayag na ito. Nararapat lamang sakanila ang pagmamahal na naguumapaw.



Sa aking mundo, mahal na mahal ko kayo.



11-06-19

OPEN LETTER TO MY FAMILY

Hi mama at papa. Kung mababasa niyo ito palagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Humihingi ako ng tawad sa mga panahong gusto kong sumuko. Sino nga naman ba ako para sumuko? Hindi ko nga kayo nakikitang sumuko at bumigay. Wala akong karapatan para sumuko. Lalaban po ako. Pagpaumanhin niyo po ako kung hindi na ako nakakasabay sa pagkain sainyo, pipiliin ko na lang po kasing magpahinga kaysa kumain. Nakakapagod na po kasi. Pero diba si "kiray" nga ako syempre malakas ako. Iyan lagi niyong sinasabi sakin kasi malakas at palaban ako. Kaya ko lahat ng bagay pero sa ngayon kailangan ko po ng yakap niyo. Nararamdaman ko po kasing madidismaya ko kayo sa grades ko. Nag aaral po ako hindi po ako nag loloko sa school. Sadyang mahirap lang po talaga. Lalaban po ako sa hamon ng buhay, kahit gaano man ito kahirap. Lalaban po ako para sainyo at para sa pangarap niyo para saakin. Mahal ko po kayo. 


Sa aking mapagbigay na ate naman. Hi ate. I love you. Hindi ko nasasabi ito sayo pero tandaan mo na mahal kita at sobrang nagpapasalamat ako kasi ate kita. Alam ko wala ka ng naiipon o nabibili para sainyong sarili, hindi naman kasi talaga biro ang magpaaral. Sorry ate ha. Malapit naman na po ako matapos. Babawi po ako sayo. Magpahinga ka ate ha? Napapansin ko kasi hindi ka na nag papahinga. I love you.

End.

Imperfections




"Padami ng padami mga alaga mo ah."



"Nanganganak ba mga tigyawat mo?










"HALA! Anong 
nangyare sa 
mukha mo?"








Ilan lamang yan sa mga salitang nagpapadurog ng puso ko. Sino ba naman kasing may gusto na magkaroon ng pimples? Wala naman diba. Sinasabi nila na pimples daw ako na tinubuan ng mukha. Masakit, oo. May nararamdaman din naman kasi ako. Pero ang tugon ko lamang sa mga salitang ito ay "Pag nawala mga pimples ko, who you kayo sakin. HAHAHA" Oo. Itatawa ko na lang lahat ng mga panlalait nila. Wala naman kasi akong magagawa kundi ang tawanan kasi alam ko mawawala rin sila. Pero paano nga ba ako nagkaroon ng mga ito?

Grade 11. Noong senior high student pa lamang ako, may ilan ian na akong mga pimples. Hindi naman ako gaanong ka apektado kasi normal lang ito lalo na at nag dadalaga naman na ako. Pero nung mga nakalauan ay malalaki na mga tubo nito, sa pisnge, ilong, noo at sa buong mukha ko. Sabi ng ilan siguro dahil lagi akong naiinitan at dahil sa volleyball. Sinasabi rin ng mga kamag anak ko na dahil daw kasi hindi maayos mga kinakain ko. Lahat ng mga rason nasabi saakin kung bakit ako nag kakaroon ng mga ito. 

Grade 12. Sobrang dami. Nakakahiya. Mayroon talagang panahon na ayaw kong lumabas ng bahay at lumabas ng classroom kasi makikita nila ang mga pimples ko. Hindi nila ako tinatawanan o hinuhusgahan pero palaging sinasabi ng aking isipan na nakatingin sila sa mukha ko at binibilang nila ang mga ito. Tanda ko pa noon na naglalagay ako ng kung anu-ano sa mukha ko para matakpan ito ngunit duon pala siya mas lalala. Oo, mas lalala pa. 

Bakasyon. Dito ko napagdesisyonan na bumili ng mga produkto na napapanuod ko sa youtube. Halos lahat na lang ata na mga videos na tungkol sa pimples at acne ay napanuod ko na. Ngunit ni isang produkto walang nakapag patanggal sa mga ito. 

Hindi ako lumalabas. Malimit na rin akong mag po post ng mga litrato. Bakit? DAHIL SA MGA PIMPLES KO! Mag po post man ako, tadtad naman ito ng mga effects. Kahit sa sarili kong kamag-anak at pamilya ko hindi ko magawang humarap at tumungin sa mga mata nila.

College. Mas malawak na ang mundo ko. Marami akong nakikilala at lalo akong nahihiya. May pagkakataon pa nga na gugustuhin ko na lamang na bumaon sa lupa. Nakakahiya. Nakakaiyak. Ayoko na.

College days.


Kahit na ganito ang nangyare sa aking mukha, hindi magiging hadlang ito upang maipakita ang aking mga ngiti. Ngiti ko na lang ang maganda saakin, itatago ko pa ba ito?

Sa ngayon, naniniwala ako na unti-unting tumitigil at konti na lamang kung tumubo ang aking mga tigyawat. Masaya na ako sa konting paggaling na ito. May awa nga ang Panginoon. Sa araw-araw ko ba naman nga na dasal na sana mawala na ang mga ito. Masaya ako at hinding hindi ako mahihiyang ikwento ito sa lahat ng tao. My imperfections made me who I am today.






SIKOLOHIYA




Pumasok ako sa kursong ito kasama ang mga katanungang gusto mo ring malaman tungkol sa Sikolohiya o Psychology. 

"NABABASA KAYA NILA MGA NASA ISIP KO?"
"WALA BA TALAGANG MATEMATIKA SA KURSONG ITO?"
"MADALI BA ANG PSYCHOLOGY?"
"MGA BALIW BA MAKAKASAMA NILA?"


Una, hindi ko nababasa ang iyong nasa isipan. Isa lamang ito sa mga misconceptions sa sikolohiya. We study human mind and behavior. Hindi kasama dito ang manghula.

Pangalawa, ilan lamang ang psychological statistics, cognitive assessment at chemistry sa asignaturang mayroon ang sikolohiya. Sabi ng ilan ang kawalan ng matematika ang isa sa dahilan kung bakit nila pinasok ang kursong ito ngunit hindi nila alam kaaakibat ng aming kurso at mga numerong nagpapasakit din sa aking ulo. Mahalaga ang matematika sa sikolohiya dahil dito na aanalisa at na iintrepeta ang isang ang pagtatasa. 

Pangatlo, walang programa sa kolehiyo ang madali. Walang madali sa mundong ating ginagalawan. Lahat ng kurso ay may iba't ibang asignatura na may mataas na antas ng kahirapan. Hindi biro ang mag analisa ng iba't ibang teorya. Hindi rin biro magsaulo ng mga pangalan ng mga teorista. 
           
Sa huli, kasama sa aming kurso ang makasama at matulungan ang mga taong may kapansanan maging sa pisikal at pagiisip man ito. Hindi ginagamit at angkop ipangalan sa isang indibidwal ang salitang "baliw". Para saamin, espesyal ang mga taong ito. Sila ang dahilan kung bakit namin minamahal ang kursong ito.





BAKIT NGA BA ITO ANG KURSO KO?

Bakit naman hindi diba? Ang kursong ito ang nagpapa intindi sa aking sarili. Mahuhubog ang ang aking personalidad at matututo akong umintidi ng ibang tao. 

Isang dahilan ang pagkakaroon ng depresyon ng isa sa aking tinuturig na pamilya. Naging mahirap ang aming napag daanan. Lubha akong naapektuhan sa pangyayaring ito. Hindi ko pa nakikilala ang sikolohiya ng mga panahong ito. Hindi ko mawari ang gagawin sa mga panahong nahihirapan at gusto na niyang sumuko. Sa kadahilanang ito, napagdesisyunan  kong  tuluyang pasukin ang larangan na ito.

May espesyal na parte sa aking puso ang mga taong may kapansanan at lalo't higit na ang mga nakatatanda. Saya ang bigay nila saakin sa mga tuwing nakikita ko silang nakangiti. Hinahaplos din ang aking puso sa tuwing may nakakasama at natutulungan akong may edad na. 

Mahal ko ang kursong ito, lalong minahal ko noong nakilala ko ang mga taong ito. 

             






Pinakita nila saakin ang ganda ng mundo. Naging rason upang lumaban sa lahat ng hamon. Hindi madali ang lakbay ko bilang isang estudyante ngnit dahil sakanila natutunan kong maging masaya kahit na nakakapanlumo ang mga nagyayari. 

MAHAL KO ANG SIKOLOHIYA. MASAYA AKONG NARIRITO AKO.


GOOD BYE, PASSION


BALIBOLISTA 






Hindi pa ako nagsisimula ngunit ang aking mga luha'y tila walang katapusan. Unti-unting bumabalik sa aking alaala, ang lahat ng saya at lungkot. Mga alaalang hanggang alaala na lamang.





Dalawang taon kong dala-dala ang pangalan ng aking paaralan. Ang nag iisang paraalan na tumanggap sa aking kakayanan. 

Bente pesos. Oo, bente pesos lamang ang nailabas ng aking mga magulang sa dalawang taon ko sa senior high. Iskolar kung tatawagin ng ilan. 

Hindi naging madali ang aking naging lakbay bilang isang atleta. Ang pagod, puyat, luha, dugo at pawis. Lahat ng ito ay hindi biro.


Wala kaming karapatan mag reklamo dahil kami ay pinag-aaral ng larong ito. Pinili namin ang ganitong daan.

Isang karangalan ang maging estudyanteng atleta. Para sa pangalan na nakalagay sa aming harapan at hindi para sa pangalan na nakalagay sa aming likuran ang bawat laro. Iisa ang layunin, mag uwi ng medalya.






Laking pasasalamat ko sa Panginoon at binigyan ako ng talento sa larong volleyball. Dahil dito, nakilala ko ang mga taong nagbibigay saya saakin. May coach ako na humubog saakin, hindi lamang sa larangan ng isports pati na rin sa aking pagkatao.




Salamat Panginoon at binigay mo saakin ang mga taong nagpa bago ng aking buhay. Natuto akong maging isang lider sa harap ng mga nakakababatang atleta. Hindi ko naramdaman ang pagod sa pag gabay sakanila dahil laging kaakibat ay ang sayang dulot ng pagmamahal nila.

Sa aking mga teammates, sobrang miss ko na kayo. 




Ang lahat at may katapusan at isa na rito ang aking pagiging atleta. Hindi biro ang mag desisyon kung tutuloy at kung titigil na. Ilang gabi at balde balde luha ang aking nailabas.


Ngunit kailangan kong mag desisyon, ang iwan ang aking haling at kamtin ang aking pangarap. Ito ay para sainyo aking katoto. Para sa lahat ng taong naniniwala saaking kakayanan.





Paalam, volleyball. Hindi ko na muling masusuot ang pinaka paborito kong damit. Hindi na muli akong gigising ng maaga at maghahanda sa laban. Hindi ko na mararanasan ang malalayo ngunit masayang paglakbay. Hindi ko na maririnig ang hiyaw at sermon ni coach at hindi ko na rin makikinig ang mga tawang nagpapangitin saakin.

Nasa isipan at puso ko lahat ng ating pinagsamahan, buong buhay ko itong iingatan at pahahalagahan. Mahal ko kayo.



Salamat, volleyball. Nang dahil sayo naging masaya ako sa dalawang taon ko sa senior high. Dahil sayo naging mabuti akong tao. Dahil sayo nakilala ko ang mga taong nagmamahal saakin, Salamat.

Sa ngayon, unti unti kong aabutin ang aking pangarap.



BALIBOLISTA → SIKOLOHISTA

Saturday, November 2, 2019

Random me.



11 Random Facts About Me


1. Eleven ang aking paboritong numero. Ito ang araw ng aking kaarawan. Sa ilang taon ko bilang atleta, ito lamang ang aking numero. Para saakin, mahalaga at ito ang nag bibigay swerte saaking buhay.



2. Kiray ang aking palayaw. Isa ito sa aking mga sikreto. Pinangalan ito saakin ng aking mga magulang at ilan lamang ay mag alam sa aking palayaw. Noong una  kinahihiya ko ito ngunit ngayon gustong gusto ko ang aking palayaw.



3. Middle child ako at hindi ako naniniwalang black sheep ako. 


4. University of the Philippines is my dream school. 

5. Nag iisa akong kulot sa aming magkakapatid. Namana ko ito sa aking ama. Para saakin, ang aking kulot na buhok ang aking asset. Hinding hindi ako magpapatuwid ng buhok. 


6. Wala akong cellphone. HAHAHA. Distraction ang aking telepono sa aking pag-aaral kaya naman nasira ko siya. HAHAHA.


7. Takot ako sa dugo. Sa sarili kong dugo.


8. University of Sto.Tomas ang paborito kong koponan sa UAAP. GO USTEEE!!

9. Tatlo ang aking taling sa mukha. Wag magpapalito yung iba ay tigyawat. HAHAHA


10. Glay-nis Mey. Palaging nagkakamali sa tuwing binabanggit ang aking pangalan kaya paminsan ay Gly na lamang ang aking sinasabi.


11.  Ayon sa aking tatay, nakuha raw niya ang aking pangalan sa isang may akda. Mahilig ang aking tatay magbasa ng libro, sakanya ko na mana ang hilig sa libro. Glynis= pure.


Hindi pa ito ang huli.



Oo, hindi pa ito ang huli kong post dito sa blog. Baka matagalan pa huli kong post. Kailangan ko muna kasing pag tuunan ng pansin ang darating na examination. Wish me luck. Pag pray mo ako ha? Thank you.